Monday, August 31, 2009

on the way to finding peace..thanks to SUE BRESCIA

there's a cancer in this country, fueled by fires of greed and hate, you can feel the earth stopped breathing, as human hearts begin to break
hard to walk the straight and narrow, struggles bring you to your knees, lonely souls in cardboard boxes, fallen heroes line the streets
we are many races, many nations, and we're all yearning to be free, why can't we choose love and grace to guide us, on the way to finding peace
can't escape the pain of hunger, gnawing seeps into your veins, no hands to heal a mothers child, splintered trees weep in the rain
fear comes clothed in many colors, it strips away who you are, old faces long forgotten, sacredcreeds lost in the dark
we are many races, many nations, and we're all yearning to be free, why can't we choose love and grace to guide us, on the way to finding peace
somewhere between here and goodbye, lies hope within all human kind
we are many races, many nations, and we're all yearning to be free, why can't we choose love and grace to guide us, on the way to finding peace
on the way, on the way to finding peace, why can't we love
on the way, on the way to finding peace, why can't we love

Saturday, August 29, 2009

dalawang ama..kapwa biktima ng barya!


isang magandang araw po sa lahat..kanina sa aking pagsama sa aming kapitbahay upang magpunta sa presinto at duon ay makausap nila ang taong naka aksidente sa kanilang padre de pamilya ukol sa mga nagostos nila sa pagpapagamot,at biglang nadurog ang aking puso, dahil ng sabihin na kung magkano ang nagastos ay nakita ko ang panlulumo ng taong naka aksidente,halos mababkas pa nga sa mukha nito ang pagkabalisa,at puyat,marahil hindi ito nakatulog sa pagiisip kung san kukuha ng ipambabayad.lungkot at awa ang aking nadama,at minabuti kong lumabas na lamang upang hindi makita ang kaawa awang mukha ng taong nabanggit,marahil dahil nadin siguro sa pag uusisa, minabuti kong bumalik, at doon nakita ko ang hawak nyang pera upang maibigay, limang daan (500) lamang ito,bayad sa xray na paunang gamutan,wala ang gamot at nasirang bisekleta maging ang citiscan na kinakailangan.limang daang barya ito,upang mabuo ang kukumpleto sa limang daan ay baryang tig limang piso at sampu ang aking nasilayan at doon naglaro sa aking isipan, na marahil hindi alam ng taong ito kung saan kukuha ng maipambabayad,awa at lungkot ang aking nadama,at diko narin mapigilang maluha sa aking nakita,at muli naitanong bakit ganito ang buhay.sadyang kahabag habag ang aking nasaksihan,isang taong sa di sinasadyang pagkakataon ay sinubok ng tadhana,isang padre de pamilya na may limang anak,at nakiki boundery ng tricycle na sa di inaasahan at di kagustuhan ay nakaaksidente ng issa ring padre de pamilya na nakasakay sa kanyang bisekleta upang makapaghanap ng mapupulot na gulay.dalawang ama na biktima ng kahirapan.dalawang ama na sinubok ng diyos sa iisang istorya puso ko'y nadurog nila.

Friday, August 28, 2009

GLORIA'S DINNER..FILIPINO'S NIGHTMARE


kamakailan lang marami na namang Pilipino ang nagtaas ng kilay,dahil sa diumano'y magarbong hapunan i GMA kasama ang kanyang delegado sa pakikipagkita nila sa pangulo ng amerika.Halos nagkakahalaga daw ito ng 1 milyong piso.dahil dito maraming Juan dela cruz ang nagtaas ng kilay,at ang iba pa'y nag rally upang iparating ang kanilang saloobin ukol sa magarbong hapunang nabanggit.hindi nga ba't isa na naman itong malaking usapin na dapat bigyan ng pansin.ang 1 milyong hapunan ay hindi yata makatwiran kung ang iyong mga nasasakupan ay hindi magkanda ugaga sa kahahanap makabili lang ng hapunan?10 piso kumpara sa 1 milyon, tila isa itong sampal sa taong bayan!isang bangungot na hinaharap ng ating mga kababayan.tila kaysarapa yata ng 1 milyong hapunan.ngunit mas pipilin kona rin siguro ang pakete ng noodles kahit umaapaw pa sa sabaw,mas masarap paring kainin ang galing sa pinagpaguran.

Thursday, August 27, 2009

willie..laban o bawi?


sino nga ba ang hindi nakakakilala kay willie revillame,kasunod na nito ang pangalang wowowee, sa dami ba naman ng kontrobersyang hinarap nito,na alam naman nating lahat na naging maingay ito,lalo na ang kalunos lunos na ultra stampede, at kamakailan lang ay ang insidenteng pagpapatanggal ni willie sa live coverage ng paglipat ng mga labi ng dating pangulong cory sa manila cathedral.kaugnay nito ang walang humpay na pag apela ng mga ordinaryong tao sa aksyong ginawa ng host, na sa kanilang pakiwari ay pambabastos ito sa ina ng demokrasya.maging akuman ay nabastusan sa ginawa ni willie,sabihin na nating maganda ang intensyon pero konsesnya nya yon,maari naman itong sabihin off cam,kahit pa ikaw ay perfecftionist, wala parin naman tayong karapatang mambastos diba? mapa staff,contestant o kahit sino pa,marami na ang pinalampas ng taong bayan kaugnay sa mga kontrobersyang ginawa ni willie.ngunit ito marahil ay pagmamalabis na.kailangan ng isang aksyon ukol dito,ngunit tula yata bulag talaga ang hustisya,dahil sa august 29 ay babalik na ang naturang tv host,isa na naman bang sorry ito,at pagpapakita ng nagmamaakaawang mukha,upang muli ay suportahan?willie tama na,at kung sino man po ang mga nasa likod nya kung bakit di sya maiaalis o maparusahan man lang,magising naman po tayo sa mahimbing nating pagkakatulog,wag naman po sanang puro pera ang ating iniisip,isipin din naman sana natin ang ating dangal,ang pagrespeto sa bawat tao.

isang pagpupugay sa Ina ng Demokrasya! Cory Aquino 1933-2009

Isang pagpupugay sa ina ng ating demokrsaya na ating tinatamasa.Align CenterKaya naman po niloob kong ihandog ang
una kong pagtalakay sa ating tita Cory.Isa din po ako sa mga lumuha at nakisimpatya sa pagkawala ng ating INA,hindi ko man sya lubusang kilala, ngunit nadama ko ang kabutihan nya.Magdamag na nagabang sa telebisyon bilang bahagi ng aking pakikisimpatya,sa kanyang pamilyalalo't higit sa lahat sa ating pinakamamahal na pilipinas,dahil minsan pa nawalan tayong isang ina,ina nagsilbing ilaw,sa gitna ng kadiliman,ina na nagsilbing pananggalang sa sa gitna ng laguluhan,ina na nagpalaya sa nakakulong nating pag asa.Lahat ay nasabi na, lahat ng papuri ay nasambit na,ngunit hiling ko sanaito'y isa puso at sa tuwinay ibuhay pa.Ng sa gayo'y kahit si tita Cory ay wala nasya ay maging masaya pagkat sakripisyo nya kasama na ng kanyang asawa ay magpatuloy pa.Tita Cory..maraming maraming SALAMAT PO!