Tuesday, September 29, 2009

ondoy,panggising para sa mga pinoy

bagyong ondoy,ginulat maraming mga pinoy.
pinsala nyang iniwan, tunay nga namang nakapanlulupaypay.
Mga kakarampot na yaman kanya pang inagaw
Nawalan na ng bahay, na masisilungan
Pati kabuhayan pa ng ilan hindi nya tinantanan.
Ngunit ang nakapanlulumo ng lubusan
Ay ang mga buhay na lumisan.
Napakasakit para sa pamilyang naiwan
Kinuha na ang lahat,pati na mahal sa buhay.

Ngunit sa kabilang banda atin paring makikita
Iba’t ibang mukha ng pag asa,sa kabila ng sinapit nila
Nagagawa parin nilang tumawa,simbolo nga ng bagong pag asa.
Idagdag pa natin dito,mga bayani sa mga panahong ito
Sana nga ay dumami pa ang tulad nyo,ng magsibing huwaran sa lahat ng tao.

Sino nga naman ang mag aakala,na bagyong ondoy
Ganito pala kalala.ngunit sa ganitong sitwasyon wala na ngang sisihan
Pagkat nangyari na ang lahat,hindi man natin ito kagustuhan.
Wala tayong dapat pagbalingan, kung bakit natin ito nararanasan
Pagkat tayo din ang maysala, sa inang kalikasan tayo naging abusado na.
Ngunit higit pa rito ang dapat nating matanto,sa lahat ng ating pagkabalisa
Sa mga bagay na narito sa lupa,lahat nga tayo ay abala na,
at wala ng panahon para sa Diyos na maylikha.
Marami nga sa atin ay lugmok na, sa kasakiman na narito sa lupa.Sana ang ito na ang magsilbing babala, na muli na nga tayong manumbalik sa kanya

Monday, September 28, 2009

Bagsik ni ONDOY..damang dama ng mga PINOY

ginimbal na naman nga tayo ng isang nakakakilabot na pangyayari.naramdaman nga po natin ang bagsik ng bagyong ONDOY.marami buhay at ariarian din ang nasira ng bagyo,magkabila ang mga istoryang sadyang nakapanlulumo,ibat ibat hitsura ng dalamhati at kawalang pag asa ang mababanaag natin sa mga mukha ng mga naging biktima.nakakalungkot isipin na marami sa atin ang nagulat at hindi handa sa pangyayari,sino nga ba namang magaakala na lulubog ang maraming lugar sa luzon parikular na sa kamaynilaan.mga nakabalandrang kotse,mga bahay na puno ng putik,mga basurang nagkalat sa kalye at kalunos lunos pa mga taong wala ng buhay ang nakahandusay ssa kalsada.ibat ibang kwento rin ang ating nasaksihan,..mga taong naghihintay ng tulong na nasa itaas ng kanilang mga bubong,mga taong isinasakay na lamang sa mga styrofoam at pinaglumaang refrigirator.ngunit ang masakit pa nito ay may nabbalitaan pa rin tayong mga taong mapagsamantala.ngunit higit sa lahat ay mga kwentong nakapagbibigay pag asa,kwento ng kabayanihan ng bawat isa,na handang tumulong kaninuman.mga taong sa kabila ng kalunos lunos nilang kalagayan ay makikita mong kahit papaano ay nagagawa paring tumawa,simbolo ng kakaunting pag asa.salamat sa mga tao at mga organisasyon na bukas pusong tumutulong sa mga ganitong pangyayari.ito nga ay panahon ng pagtutulungan at hindi pagtuturuan at pagsisihan sa kung sino ang may sala.higit po sana nating itanim sa ating isipan na ang nagyayari sa ating kapaligiran ay dulot narin ng ating kapabayaan sa ating inang kalikasan,tila bat itoy ganti ng kalikasan.ganti dahil sya ay inabuso ng mga taong makasarili at hayok sa yamang panlupa lamang.ngayon tayo magnilay nilay kung san tayo nagkulang.di nga bat tayong lahat ay abala sa kung anong ating kakanin at kung anong ating daramtin.wala na nga tayong panahon para sa dakilang lumikha.karamihan na nga sa atin ay nababalutan na ng kinang ng mga makamundong bagay.ang pangyayaring ito ay isa lamang panggising sa ating natutulog na kamalayan.

Saturday, September 12, 2009


The impetus for a National Grandparents Day originated with Marian McQuade, a housewife in Fayette County, West Virginia. Her primary motivation was to champion the cause of lonely elderly in nursing homes. She also hoped to persuade grandchildren to tap the wisdom and heritage their grandparents could provide.


Bukas nga po September 13 ay espesyal na araw para sa ating mga lolo at lola, na walang sawang sumubaybay sa atin.Sina lolo at lola nga ang bida bukas,sa atin nawang mga apo o anak sana ay bigyang pansin natin ang araw na ito upang batiin ang ating mga lolo at lola, kung maaari ay gawing espesyal ang araw araw para sa kanila,dahil sa katotohanan ang ating mga lolo at lola ay nasa dapit hapon na ng kanilang buhay, tila ba hinihintay nalang nila ang takipsilim.sadya ngang masarap magkaroon ng lolo at lola, sa tuwing hahawakan mo ang mga kamay nila na laylay na ang balat, ay kakaibang ligaya ang nararmdaman nila,dahil nararamdaman nila ang lambing ng kanilang mga apo.ang ating mga lolo at lola nga sadyang mapagmahal,dahil karamihan sa kanila ay hindi parin tumitigil sa paghahanap buhay, mapasaya lang ang kanilang mga apo.sa marami naring mga kwento maraming lola at lolo ang nagsasakripisyo para sa mga apo.kadalasan sila din ang umaako sa responsibilidad ng mga magulang nito.hindi nga natin maikakaila ang pagmamahal ng ating mga lolo at lola, ngunit sa kabilang banda nakaklungkot isipin na may mga lolo at lolang inabandona, ang tingin ng iba ay sagabal na sila sa kanilang pamumuhay,dahil sa naguulynin na daw o di kaya naman ay bumabalik ssa pagkabata, kaya ang nagiging solusyon nila dalin nalang ang mga ito sa mga bahay na tinutuluyan ng matatanda. isang bagay na lubos kong ikinalulungkot.madalas napapanood natin sila pag sila ay tinatampok sa isang palabas na may temang para sa matatanda.nakaklungkot isipin na ang mga lolo at lolang nagbigay buhay sa kanilang anak ay iniwan nalang sa isang tahanan na iniisip natin para sa kanila.hindi mo ba iniisp na nung ikaw ay bata at dipa maintindihan ang sinasabi, pilit kang iniintindi, hindi moba naiisp na kapag ikay dumudumi, wala pandidiri ang mababkas sa kanila.hindi mo ba naisip na kapag may sakit ka sila ang nagtiyatiyagang mag alaga sayo.sila si lolo at lola na iniwan mo lang sa bahay aruga, na walang pagiimbot kang inaruga nung ikaw ay bata maging sa pagtanda.bakit dimo ibalik pag ibig na binigay nila.kilala nga ang mga pilipino bilang mapagmahal sa kanilang matatanda,ngunit bakit merron pang mga nasa bahay aruga?nawa gawin nating espesyal araw nila lolo at lola, dahil sa takipsilim ng buhay nila, simple nalang ang hiling ng bawat isa, na sana ay matiis sila ng mga apo ang mga anak nila.HAPPY GRANDPARENTS DAY LOLO AT LOLA

Friday, September 11, 2009

september 11 will remain forever..


ngayun po ay ginugunita natin ang pag alala sa kagimbal gimbal na pag atake ng mga terorista sa amerika.ilang libong luhay din po nawala dahil sa trahedyang ito,na nagdulot ng takot at bagabag sa marami.maging tayuman na malayo sa amerika ay nalagyan ng kaba sa dibdib dahil sa mga kamag anakang nagtatrabaho doon.marami napo tayong kwentong narinig ukol dito,ilang maka bagbagdamdaming eksensa na animo'y isang shooting ng isang malaking pelikula ang ating nasaksihan.ilang manunulat nadin po ang nagsulat ukol sa pangyayari, maging mga palabas sa telebisyon ay hindi pinalampas ang pagkakataong ito.at ngaun po sa ika walong anibersayo mula ng mangyari ang september 11, muli na naman pong nanariwa sa mga kamaganakan ng mga biktima ang isang malagim na sandali sa kanilang buhay.sa ganang akin lamang muli po nating ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga naging biktima.magbukas rin sana ito ng daan na muli pa tayo'y maging matatag at pagibayuhin ang pananampalataya sa Diyos.even its to hard to accept the fact that many lives were destroyed of this tremendous crime done by those people who thought that they are brave.with that even if its hard but still september 11 will remain forever!.

Thursday, September 10, 2009

Mali bang ipagmalaki na PILIPINO KAMI?..House Bill 6424


FLAG AND HERALDIC CODE OF THE PHILIPPINES
Section 34: Prohibited Acts
To wear the FLAG, SEAL, COAT-OF -ARMS
(in whole or in part) as PART of a costume or
(uniform) AS A FASHION ACCESSORY OR MERELY AS A DESIGN ELEMENT.


mali bang ipagmalaki na PILIPINO KAMI? yan ang tanong na naglaro sa aking isipan ng mapanood ko sa programa ng GMA7 sa special report ni arnold clavio ang batas na nagbabawal daw sa pagsuot sa anumang may disenyo ng watawat ng pilipinas,pagkat diumano'y nababastos daw ito.sa ganang akin lamang,hindi mas pambabastos kung ipapatupad ang batas na ito,dahil ang pagsusuot o paglalagay ng marka na magpapakilalang ang isang tao ay pilipino ay isang tanda ng ipinagmamalaki niya ito.karamihan ay mga simpleng tao ang nagsusuot o gumagamit ng mga bagay na ito,pag ito ang naiisip nilang paraan upang ipagmalaki na sila ay pilipino lalu na kung sila ay nasa ibang bansa,tila yata sa labang ito talo na naman ang mga walang boses.ilang naba ang lantarang lumapastangan sa simbolo ng pilipinas, sa pagkanta ng lupang hinirang ilan na ang nambastos?,may nakasuhan ba? wala dipo ba,bagkus lantaran na ang pambabastos na ginagawa nila,ilang tao nabang nasa kapangyarihan ang nag bigay dungis at tila nagsaboy ng putik sa bayang pilipinas.hindi bat mas kahiya hiya ito,dahil kahit anong pagsusumikap ipagmalaki ng mga ordinaryong pilipino at muling ibangon ang pangalan nito,tila ba kayhirap mangyari ,dahil may mga anay na patuloy na nagiging daan upang mabulok ang pilipinas.nasa puso ng mga ordinaryong taong ito ang pagiging nasyonalismo,galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso, ito'y simpleng paraan lamang upang ipakita ang pagmamahal sa bayan inyo pabnag tututulan?nasaan ang pagmamahal nyo bilang isang kapwa pilipino?NASAAN?

superferry at labuyo


muli nanaman po tayong ginimbal ng dalawang pangyayari ng kumitil ng maraming buhay, at sumira sa maraming ariarian ng mga biktima ng paglubog ng superferry at pagsalanta ng bagyong labuyo.kamakailan po muli na naman po tayong ginimbal ng balitang ukol sa trahedya sa karagatan na kinasangkutan ng superferry, ilang buhay din po ang nawala dahil sa trahedyang ito, marami po tayong narinig na mga kwentong lubusang nagpaantig sa ating mga puso,isa na nga po rito ay ang pagkawalay ng isang ina sa kanyang sanggol, sa isang interview ng GMA7 lubos ang kalungkutan ng ina,ng hindi nya makita ang kanyang anak sa mga nailigtas maging sa mga namatay,ngunit hindi po nawalan ng pag asa ang ina nito, naidala pala sa maynila ang anak nito kasama pa nga ilang nailigtas sa insidente at dito muling nagbuklod ang nawalay na magina,isa pang istorya ang pumukaw sa aking atensyon,ito ang istorya ng isang ginang na nagpalutang lutang sa gitan ng karagatan sa loob ng dalawang araw,buti na lamang at nakita ito ng mga nagpapatrolyang rescuer,hinang hina ang ginang, dahil sa hindi ito kumakain at puro tubig alat lamang ang ininom nito,sunog na sunog din ang balat ng ginang dahil sa sunburn, hindi po nawalan ng pag asa ang ginang na muli nyang makakpiling ang kanyang pamilya.sa pangyayaring ito muli na naman pong naungkat ang usapin tungkol sa pag momonitor ng mga barkong ginagamit ng mga mamayan,ilan narin pong aksidente ang kumitil sa maraming buhay, ngunit kasabay po yata ng paglubog ng mga barkong ito,ay kasabay narin ang paglubog ng pag asa ng mga taong humihingi ng hustisya,ngunit sadyang natatapalan ng pera ang mata at bibig ng babaeng simbolo ng katarungan, palibhasa ay mayayaman kaya naman walang naaakusahan,biktima parin po ang mga maliliit na tao.kasabay din nito ay ang pag hagupit ng bagyong labuyo,baha at langslide ang dinulot ng bagyong ito,ilang buhay din po ang nawala dahil sa bagyo, maraming kabuhayin din ang sinira kasabay ng paganod ng mga pangarap ng mga taong nasalanta.mahirap po ang maging biktima ng mga ganitong trahedya, pagkat wala po tayong mabubuntunan ng sisi pagkata kalikasan po ang maygawa nito.yan po ang ating paniniwala,ngunit sa kabilang banda naisip rin po ba natin na may kasalanan din po tayo,isipin po nating ganti ito ng kalikasan,pagkat gusto nyang tayong turuan ng leksyon,tayo rin naman po ang may kagagawan kung bakit malaki ang nagiging pinsala ng mga ganitong kalamidad dulot ng kalikasan.ang mga pangyayaring ito nawa ay magsilbing panggising po sa atin, na sa mga ganitong pangyayari ay lalo pong tayong manghawak sa magagawa ng Diyos.marami narin po sa atin ang naging biktima ng mga sakuna,ako man po ang pamilya ko ay minsan naging biktima ng nangangalit na buhos ng lahar ng mount pinatubo,ngunit nagyon po heto,nanatili kaming matatag,dahil sa kabila ng makapal na usok at abo na inilalabas ng bulkan ay doon makikita ang liwanag na naghihintay lang na iyong masilayan.

Noynoy Aquino bilang PANGULO!




hindi na mabilang ang sumusuporta para sa kandidatura ni Noynoy bilang pangulo.mula ng mamatay ang kanyang ina, madami na ang nagudyok at nagpakita ng suporta upang ipagpatuloy ni Noynoy ang laban ng kanyang mga magulang.isa na nga dito ang pag atras ni Sen Mar Roxas upang magbigay daan sa panawagan ng bayan.dito lubos na hinangaan ang dating Mr palengke,hindi rin naman maitatatwa na marami na ang nagastos ni sen mar upang ipaalam ang kanyang intensyong humabol,sumunod narin sa kanya ang iba pang aspiring presidentiables na nagpakita ng suporta kay noynoy.hindi po maikakaila ang nagawa ng mga magulang ni noynoy para sa bayan.may mga tao din naman tumutuligsa kay noynoy, na nagsasabing wag sana syang sumabit lang sa pangalan ng kanyang mga magulang.ang nakatatandang kapatid naman ni noynoy ay nagpahiwatig na ayaw din naman nilang humabol si noy at nagsabi pa nga sa isa nyang interview na baka nadadala lang ng mga pangyayari ang mga tao,dahil sa bago pa ang pagkamatay ng kanilang ina.ngunit hindi rin naman nila madidiktahan si noy,nag retreat si noy upang makapagisip kung tatanggapin nga ang panawagan ng taong bayan,at tulad ng kasabihan na sa hinaba haba ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy,sa pagaanunsyo rin natuloy ang matagal ng panawagan ng mga sumusuporta kay noy,may mga nagulat sa balitang iyon, pero para kay noy tinatanggap daw nya ang hamong muling baguhin ang takbo ng pulitika sa pilipinas,na muling buhayin ang matagal ng patay na pag asa ng mga pilipino.ngunit sa ganang akin lamang,sana nga ang lahat ng ito ay totoo,hindi lang tayo nadadala ng mga pangyayari, nasa bawat isa po sa atin ang pagbabago,wala po sa kaninumang pulitiko,sabihin nyo na pong negatibo ang pag iisip ko,tanggapin po natin, hindi na natin maiaalis ang kurapsyon sa bayan,marami napo tayong mga pangakong narinig,mga pangakong giginhawa ang ating mga buhay, na may pagkain sa hapag kainan tatlong beses sa isang araw, kung sa gobyerno tayo aasa, wala po tayong magagawa,magugutom lamang po tayo,kumilos po tayo para sa sarili at pamilya nyo,wag po natin iasa ito sa mga pulitiko.kung si noynoy nga po ang muling magbabangon sa putik na kinasasadlakan ng pilipinas ngayon,ipinagdadasal ko na sana gabayan sya ng Diyos.

Monday, September 7, 2009

isang pagsaludo sa kahanga hangang liderato


Sa ating mga kababAyang kaanib sa Iglesia ni Cristo, nakikiramay po kami sa pagpanaw ng tagapamahala na si ka Erano Manalo.Tunay pong kahanga hanga ang liderato ni ka erdy, atin po itong nasaksihan sa paglipas ng mga panahon, hindi lang po mga miyembro nito ang humanga sa kanya,bagkus maging mga hindi kaanib sa relihiyong ito ay lubos ang paghanga,hindi mabilang na kilalang tao ang sumaludo at nagpakita ng paggalang kay ka erdy,hindi po natin maikakaila ang katotohanang, isang magaling na lider ang nasa likod ng tagumpay ng relihiyong ito.sa kabila ng katanyagan ay minabuti po ni ka erdy na maging isang simpleng tao. Sa pagpanaw nito marami po tayong narinig..na nagsasad na si ka erdy po ay makapangyarihang lider ngunit law profile na tao.kanina nga lang po sa aking panonood isa na naman pong komentarista ang nagsabi na ang ganitong lider ay bibihira po, at hindi natin maikakaila ang katotohanan na kung kumilos ang INC ay animo iisang tao lamang, may ganap na pagkakaisa at tumatalima sa lider nito.isa ngang kahanga hangang liderato ang ipinakita ni ka erdy..at isang katotohanan lamang po ang ating makikita, na sa kahit sinong lider,pulitika man o relihiyon ang mga ganitong gawain ay sadyang pinapatnubayan ng Diyos.ang pagpanaw nawa ng lider ng INC ay magbukas sa isipan ng maraming tao,lalo ng mga lider sa ating gobyerno,matutO nawa tayong ibahagi ang ating sarili ng buong puso, ng walang bahid ng anumang pagkamakasarili,dahil sigurado po tayong sa magandang gawain, Diyos ang magiging kakampi natin.muli ang aking pakikiramay sa pamilya ni Ka Erdy maging sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo.

Friday, September 4, 2009

bulag na KATARUNGAN...yan ang KATOTOHANAN


yan po ang napili kong pamagat sa istoryang ito,upang magbigay daan sa ating natutulog na kamalayan at muli pa nating mapatunayan na bulag ang KATARUNGAN.. yan ang KATOTOHANAN..sa ibat ibang pagkakataon, marami na tayong kwento at mga balitang nalaman ukol sa bagay na iyan.sa maraming pagkakataon napo natin nasaksihan na totoo nga po ang bagay na iyan, nangyayari sa halos kaninu man,lalo na sa mga taong napagkaitang makapg aral dahil narin sa kahirapan.dito sa mundong ibabaw laganap ang ganyan, nasaan ba ang katarungan? yan ang tanong ng karamihan.ang katarungan kailanman dito sa mundong ibabaw ay talagang nababayaran,laging talunan ang mga nasa katwiran, lalo pa at mayaman ang iyong kalaban, pagkat nabayaran na ang mga may kinalaman.kung atin uusisain ang simbolo ng katarungan, minsan parang gusto ko ng palitan...nakapiring na simbolo ng katarungan,bakit dina lang pera ang ilagay, diba yan naman ang katotohanan?pera ang nagsisilbing langis sa makinarya ng katarungan.