Sunday, October 4, 2009

maligayang araw ng mga guro..para sayo dakilang guro ko!

Sa aking guro, na walang sawang nagturo
itoy handog ko sayo galing sa puso ko.
Ginawa ko ito bilang pasasalamat ko
sa mga panahong ako’y tinuruan mo.

Di dahil sa itoy propesyon mo
kundi dahil ito ang sinisigaw ng puso mo.
Hindi ko man maapuhap salitang nararapat
ngunit ngayon akin na ngang isisiwalat
taos pusong pasasalamat at pananabik na ika’y mayakap.

Sa mga panahong ito malayo man tayo
salamat sayo dakilang guro ko
sa lahat ng mga payo at pagtitiyaga mo.
At sa lahat nga ng mga naging pagkukulang ko
idagdag mo pa mga kakulitang nagawa ko.
Sana ako’y mapatawad mo,pagka’t tao lang po ako.

Kayhaba nga naman panahon na nagdaan
mula ng ako’y iyong tinuruan,sa apat ng sulok ng mumunting eskwelahan.
At ngayon nga na malaki na ang mundong aking ginagalawan
unti unting tinutupad pangarap na inaasam
upang ang tagumpay ay aking makamtan.

Sa dulo nga ng tulang handog para sayo
luha ang pumapatak,habang isinusulat ko ito.
Nawa minsan pa magkitakita pa tayo
upang sa harapan mo sasabihin ko
Salamat sayo dakilang guro ko.




0 comments: