Saturday, August 29, 2009

dalawang ama..kapwa biktima ng barya!


isang magandang araw po sa lahat..kanina sa aking pagsama sa aming kapitbahay upang magpunta sa presinto at duon ay makausap nila ang taong naka aksidente sa kanilang padre de pamilya ukol sa mga nagostos nila sa pagpapagamot,at biglang nadurog ang aking puso, dahil ng sabihin na kung magkano ang nagastos ay nakita ko ang panlulumo ng taong naka aksidente,halos mababkas pa nga sa mukha nito ang pagkabalisa,at puyat,marahil hindi ito nakatulog sa pagiisip kung san kukuha ng ipambabayad.lungkot at awa ang aking nadama,at minabuti kong lumabas na lamang upang hindi makita ang kaawa awang mukha ng taong nabanggit,marahil dahil nadin siguro sa pag uusisa, minabuti kong bumalik, at doon nakita ko ang hawak nyang pera upang maibigay, limang daan (500) lamang ito,bayad sa xray na paunang gamutan,wala ang gamot at nasirang bisekleta maging ang citiscan na kinakailangan.limang daang barya ito,upang mabuo ang kukumpleto sa limang daan ay baryang tig limang piso at sampu ang aking nasilayan at doon naglaro sa aking isipan, na marahil hindi alam ng taong ito kung saan kukuha ng maipambabayad,awa at lungkot ang aking nadama,at diko narin mapigilang maluha sa aking nakita,at muli naitanong bakit ganito ang buhay.sadyang kahabag habag ang aking nasaksihan,isang taong sa di sinasadyang pagkakataon ay sinubok ng tadhana,isang padre de pamilya na may limang anak,at nakiki boundery ng tricycle na sa di inaasahan at di kagustuhan ay nakaaksidente ng issa ring padre de pamilya na nakasakay sa kanyang bisekleta upang makapaghanap ng mapupulot na gulay.dalawang ama na biktima ng kahirapan.dalawang ama na sinubok ng diyos sa iisang istorya puso ko'y nadurog nila.

0 comments: