Friday, August 28, 2009

GLORIA'S DINNER..FILIPINO'S NIGHTMARE


kamakailan lang marami na namang Pilipino ang nagtaas ng kilay,dahil sa diumano'y magarbong hapunan i GMA kasama ang kanyang delegado sa pakikipagkita nila sa pangulo ng amerika.Halos nagkakahalaga daw ito ng 1 milyong piso.dahil dito maraming Juan dela cruz ang nagtaas ng kilay,at ang iba pa'y nag rally upang iparating ang kanilang saloobin ukol sa magarbong hapunang nabanggit.hindi nga ba't isa na naman itong malaking usapin na dapat bigyan ng pansin.ang 1 milyong hapunan ay hindi yata makatwiran kung ang iyong mga nasasakupan ay hindi magkanda ugaga sa kahahanap makabili lang ng hapunan?10 piso kumpara sa 1 milyon, tila isa itong sampal sa taong bayan!isang bangungot na hinaharap ng ating mga kababayan.tila kaysarapa yata ng 1 milyong hapunan.ngunit mas pipilin kona rin siguro ang pakete ng noodles kahit umaapaw pa sa sabaw,mas masarap paring kainin ang galing sa pinagpaguran.

0 comments: