Thursday, August 27, 2009

willie..laban o bawi?


sino nga ba ang hindi nakakakilala kay willie revillame,kasunod na nito ang pangalang wowowee, sa dami ba naman ng kontrobersyang hinarap nito,na alam naman nating lahat na naging maingay ito,lalo na ang kalunos lunos na ultra stampede, at kamakailan lang ay ang insidenteng pagpapatanggal ni willie sa live coverage ng paglipat ng mga labi ng dating pangulong cory sa manila cathedral.kaugnay nito ang walang humpay na pag apela ng mga ordinaryong tao sa aksyong ginawa ng host, na sa kanilang pakiwari ay pambabastos ito sa ina ng demokrasya.maging akuman ay nabastusan sa ginawa ni willie,sabihin na nating maganda ang intensyon pero konsesnya nya yon,maari naman itong sabihin off cam,kahit pa ikaw ay perfecftionist, wala parin naman tayong karapatang mambastos diba? mapa staff,contestant o kahit sino pa,marami na ang pinalampas ng taong bayan kaugnay sa mga kontrobersyang ginawa ni willie.ngunit ito marahil ay pagmamalabis na.kailangan ng isang aksyon ukol dito,ngunit tula yata bulag talaga ang hustisya,dahil sa august 29 ay babalik na ang naturang tv host,isa na naman bang sorry ito,at pagpapakita ng nagmamaakaawang mukha,upang muli ay suportahan?willie tama na,at kung sino man po ang mga nasa likod nya kung bakit di sya maiaalis o maparusahan man lang,magising naman po tayo sa mahimbing nating pagkakatulog,wag naman po sanang puro pera ang ating iniisip,isipin din naman sana natin ang ating dangal,ang pagrespeto sa bawat tao.

0 comments: